MGA KOMPOSISYONG PERSONALAng mga ito ay akdang personal, ito rin ay nakakatulong sa pang-arawaraw natin na gawain lalo na sa pagalala ng mga makaraan na pangyayari, pagrereplek sa ating mga pinanood, at pwede rin ito maging kabuhayan natin. Dyornal, Repleksyong Papel, at Blog ang mga halimbawa rito
PAGSULAT NG KOMPOSISYONAng pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin ng tao. Dito sa kabanatang ito ay natutunan namin paano gumawa ng mahusay na komposisyon mula sa simula hanggang sa pabuod. Hindi rin nagging madali ang gumawa ng komposisyon, kaya ibinigyan ng diin ng kabanatang ito ang mga proseso ng pagsulat.
ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYONUpang maging mahusay ang iyong komposisyon, dapat mayroong Kaisahan, Pagkaugnay-ugnay o Kohirens, Diin o Empasis, at Hulwaran ng Teksto. Isa pang paraan para mahasa pa ang pasulat ay kabihasahan ng pagsulat ng. Balangkas, dahil ito ang pinakakalansay ng isang akda.
PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA MATALINGHAGANG ESTILOSa pangkat na ito, natutunan namin ang ibat ibang paraan para maging makulay ang bawat komposisyon. Maaaring gumamit ng mga Idyoma tulad ng "may gatas pa sa labi" na ang ibig sabihin ay bata pa; mga Tayutay din, o tinatawag na figures of speech sa ingles; at mga Alusyon tulad ng Alusyon sa Heograpiya, Alusyon sa Bibliya, Alusyon sa Mitolohiya, at iba pa.
ANG GRAMATIKA AT RETORIKABawat pangungusap dapat mahusay ang pagpili ng wastong salita, at dapat din wasto ang atin gamit sa mga ibat ibang salita, katulad ng NG, NANG, KUNG, KONG, MAY, MAYROON , PUNASAN, PUNASIN, at iba pa. Dahil bawat salita ay may ibat ibang kahulugan. Dapat rin sundan natin ang istriktong tuntuning panggramatika.
RETORIKAAyon kina Badayos et al. (2007), ang retorika ay nagmula sa salitang rhetor na ang ibig sabihin ay tagapagsalita sa publiko. Mayroon din pahaypaw na kasaysayan ang retorika; ito ay ang Klasikal na Retorika, na kasali sina si Homer, ang ama ng oratoryo; Midyibal at Renansimyento, na rito nagkaroon ng trivium, o ang tatlong sabdyek na preliminari na pitong liberal na sining sa mga unibersidad, kasama ang gramar at lohika; at ang Modernong Retorika, na rito bumalik ulit ang pagpapahalaga sa retorika. |