Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdririwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mga tanong na di matanggal sa aking isipan. Bilang isang tao, binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Sa paaralan natin nalalaman ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad na lamang ng Wikang Pambansa, Buwan ng Wika, Ama ng Wikang Pambansa, Lupang Hinirang, Panatang Makabayan at iba pa. Ang isang bansa na may sariling wika na may ipaglalaban ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon upang magkaintindihan ang lahat ng tao. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino dahil ito ay nagsisimbolo ng katapangan ng ating mga bayani at ang kanilang adhikain na magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas. Ayon kay Iglesia, C. (2009), ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. | |
0 Comments
|