Magandang Araw po sa inyo! Nais ko lamang po ipakilala ang aking sarili sa inyo. Ako si Angel Mae P. Porras, pero mas kilala sa palayaw na "Gel". Panganay akong anak at may dalawa akong kapatid. Nagtapos ako ng hayskul sa Maryknoll High school of Panabo City. Ako ay nanggaling sa Panabo City at kasalukuyang nag-aaral dito sa Ateneo de Davao University sa kursong Komunikasyong pangmasa. Isa akong ordinaryong estudyante lamang at isang simpleng babaeng may hinahangad sa buhay. Ang nais ko lamang sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral, makabuo ng pamilya, makapagpasalamat sa aking mga magulang at sa Maykapal at ang panghuli ay ang makatulong sa kapwa ko tao. Sabi ng karamihan, ako'y isang manhid na tao pero hindi nila alam ang totoo. May puso at damdamin rin ako, tumatawa, nakikiramdam, lumuluha, nalulungkot, naiinis, naaawa at nagmamahal. Manhid ako sa mga bagay na ayaw kong maramdaman. AKo'y isang mapagmahal na anak at kaibigan.
I. RETORIKASa Unang kabanata, pinag-aralan natin ang tungkol sa retorika. Sa kabanatang ito, marami akong natutunan at napagtanto ko kung gaano kahalaga ang retorika sa ating buhay at ano ang mga naiambag nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Nalaman ko rin sa kabanatang ito kung paano at saan ito nagsimula. Nang dahil sa kabanatang ito, nalaman ko kung ano ang iba't-ibang klase ng pakikipag-usap sa iyong minamahal at sa masa. II. Ang gramatika at retorikaTumungo naman tayo sa ikalawang kabanata, malaki talaga ang naitulong ng kabanatang ito sa amin mga estudyante. Ang kabanatang ito ay tungkol sa gramatika at retorika, kahit na kami ay Pilipino hindi ko parin masasabi na mahusay kami sa wikang tagalog, dahil kadalasan sa amin ay may iba't-ibang lengwahe. Malaki talaga ang naitulong nito sa amin, dahil sa kabanatang ito naituro sa amin kung ano ang tamang salita na pwede namin gamitin sa pakikipagtalastas at pakikipag-usap. Masasabi ko na isa ito sa mga pinakamahalagang kabanata na dapat kong pag -aralan ng mabuti dahil ako ay isang Pilipino, dapat alam ko kung paano magsalita ng tagalog ng buo, walang mali at dapat buong puso. III. pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang estiloSa Ikatlong kabanata, marami rin kaming natutunan dahil mas maganda rin na bigyan natin ng buhay ang ating mga salitang ginagamit nang sa ganon ay magkainteres naman ang tagapakinig na makinig sa iyo o ang mga mambabasa sa kanilang binabasa at hindi sila madaling mainip. Masasabi ko na mas mabibigyan ng lasa ang isang pangungusap kung ikaw ay gumagamit ng idyoma. Mahilig ako sa mga idyoma dahil may malalim ito na kahulugan at hindi siya ordinaryong salita lamang. IV. Organisasyon ng pasalita at pasulat na komposisyonSumunod naman ang ikaapat na kabanata, may natutunan din ako rito sa kabanatang ito, lalo na kapag ako ay may isinusulat. Dapat organisa ito nang sa ganon ay maintindihan ng mabuti ng mambabasa at kaaya-aya siya tignan at basahin. Bilang isang estudyante, hindi talaga maiiwasan ang magsulat ng repleksyon, manaliksik, at gumawa ng tesis. Sa pagsusulat ay kinakailangan na organisa at nasa ayos ang mga salita para maging interesado sila na basahin ito. V.Sa Ikalimang kabanata, mahalagang matutunan natin ito dahil hindi natin maiiwasan na gumawa ng isang komposisiyon. Sa paggawa nito kailangan natin alamin ang iba't-ibang proseso nang sa ganon ay nasa ayos ito at hindi ako mahihiya na ipabasa sa iba dahil alam kong may sinunod ako na proseso at kailangan rin na tama ang mga salitang aking gagamitin at ang pinakaimportante sa lahat ay ginawa ko ito ng may pagmamahal. VI.Ang ikaanim na kabanata ay tungkol sa mga komposisyong pormal. Napakapamilyar nito para sa atin dahil gingawa natin ito, gumagawa tayo ng repleksyon pagkatapos manood nang isang pelikula o dokumentaryo. Halos lahat yata ng mga tao noon ay gumagawa ng dyornal, pero may mga tao pa rin naman na nagsusulat sa kanilang mga dyornal. Nakakatulong ito sa atin dahil sa komposisyong pormal, mailalabas natin ang ating mga nararamdaman ng malaya at pwede tayong magkapera sa pagba-blog at maikuwento ang ating mga nararanasan sa paggamit ng blog. VII.Tumungo naman tayo sa ikapitong kabanata, sa kabanatang ito tinalakay natin ang tungkol sa diskurso. Mahalaga na malaman natin ito dhail makakatulong ito sa atin at may iba't-ibang estratehiya ito na maaring magbibigay tulong sa atin. May kani-kaniyang pangangailangan at angking tulong ito sa atin.
|